Tuesday, October 14, 2008

ATUNGAL BAKA




Isang malakas na atungal ang ginawa ni LAARNI ng hirangin siya kagabi bilang star dreamer ng PDA. Halos himatayin siya sa sobrang kaligayahan dahil sa kanyang tagumpay na nakamit. Hindi siya makapaniwala ng siya ay parangalan. Napaupo siya at napahagulhul ng iyak, parang batang naglupasay dahil nabigyan ng isang lolipop. Halos tumulo na ang sipon sa kanyang bibig dahil sa di maawat na pag atungal niya, sa madaling sabi tulo ang kayat niya. Makikitang pasimple niyang pinahid ang kanyang malapot lapot na "liquid coming from her nose". Buti na lamang at may kasamang papel ang bulaklak na ibinigay sa kanya na nagsilbing tissue niya kagabi. Yumakap din siya sa kanyang kapwa iskolar hindi dahil namis niya ang mga ito kundi para mamahid ng kanyang self made "alaska condense ". Sa huli nagtagumpay siyang ubusin ang laman ng kanyang drum kung saan nakalagay ang kanyang self made alaska condense, gaya ng pagwawagi niya sa nasabing patimpalak.